Bonjour!
Bonjour!
Comment allez-vous aujourd’hui?
Trés bien, merci.
Comment tu t’appelles?
Je m’appelle Benjie.
Quel est ton nom de famille?
Mon nom de famille est Alistado.
Où habitez-vous?
J’habite dans un petit village dans le Limbourg en Belgique avec mon epoux et mes beaux parents.
De quel pays viens-tu?
Je viens des Philippines.
Es-tu mariée?
Oui, je suis mariée avec un belge. Son nom est Benoit Valentin.
Quelle est ta nationalité?
Je suis Philippine.
Quel âge avez-vous?
Je suis âge de trente ans.
Quand est votre jour d’anniversaire?
Mon anniversaire est le six avril.
Quel est votre lieu de naissance? Où êtes-vous née?
Je suis née en Philippines.
Quand êtes-vous arriver en Belgique?
Je suis arriver le premier septembre deux mille sept.
Depuis combien de temps habitez-vous ici?
Je vis in Belgique déja un an et demi.
Travaillez-vous? Quel est votre travail?
Non, je ne travaille pas encore. Je suis étudiante.
Qu’est-ce que vous faites en ce moment?
J’etudie le néerlandais et le français.
Pourquoi etudiez-vous ces langues?
Parce que je vis ici. Je veux trouver un travail et communiquer facilement avec d’autres personnes.
Quelle langue parles-tu?
Je parle philippin, anglais, néerlandais et un petit peu français.
Tu as une grande famille?
Non, j’ai une petite famille et mon mari aussi.
Avez-vous des frères et des soeurs?
Non, je n’ai pas des frères et des soeurs. Je suis une fille unique.
Quel est votre passé-temps?
Mes passé-temps sont: écouter à la musique, regarder les films, prendre des photos, surfer sur le internet et visiter les beaux et historiques endroits.
Qu’est-ce que vous aimez?
J’aime la glace, le chocolat et les personnes amicales.
Qu’est-ce que vous adorez?
J’adore mon mari, ma famille et mes beaux parents aussi.
Qu’est-ce que vous détéstez?
Je detéste la discrimination raciale.
Aimez-vous habiter ici en Belgique? Pourquoi?
Oui, j’aime habiter ici parce que la situation économique est meillure que dans mon pays.
Décrivez-vous!
Je suis têtue, je corresponds facilement avec d’autres gens et je suis optimiste.
Quel est le travail de ton mari?
Mon mari travaille dans une fabrique d’automobile.
Avez-vous des enfants?
Non, je n’ai pas encore des enfants.
Comment va vos rapports avec vos beaux parents?
Nous correspondons trés bien. Je m’entends bien avec eux.
Avez-vous une bonne famille ici?
Oui, tout comme ma famille aux Philippines, ma famille ici est attentive, sympathique et trés bien.
C’est tout. Merci pour l’entrevue.
Merci. Au revoir.
Tuesday, February 10, 2009
Saturday, February 7, 2009
Nakakatawa, nakakairita, nakakaloka…ano ba!? Sumusobra ka na!
Bato bato sa langit, ang matamaan ay ‘wag magagalit dahil pare-pareho lang tayong lahat. Nagtatapunan ng kanya-kanyang baho, nagmamalinis kahit saksakan naman ng dumi ang pagkatao. Ang pinakamahirap tanggapin sa lahat ay ang katotohanan na lahat tayo ay pare pareho lamang. Hindi tungkol sa estado ng buhay ang pinag-uusapan natin dito kundi ang ating pagkatao. Mahirap tanggapin ang katotohanan na lahat tayo ay hindi perpekto. Madali nating makita ang kamalian ng iba samantalang di natin nakikita ang sarili nating kahinaan at kamalian. Sinisiraan natin ang iba, sila din ay walang ginawa kundi ang siraan tayo. Nakakahiya mang aminin, pero aminin na natin na ang mga ito ay iilan lamang sa mga nakakahiya, nakakaloka, nakakairita at minsan nakakatawang katangian nating mga Pilipino. Di natin alam kung paano tayo mag-react, kung magagalit, ma-iirita, matatawa, maloloka o hahayaan na lang ba. Huwag na nating isali ang mga di Pinoy kasi tulad natin meron din silang masasamang katangian. ‘Ika nga, tangkilikin ang sariling atin.
Mahilig tayong maki-showbiz (tsismis) sa kapitbahay at walang pinipiling lugar o oras, kung magmamayabang ay daig pa ang pinakamalakas na bagyo, nagmamagaling na akala kung sinong pinakamagaling, nagtatalino-talinuhan na ang akala sa sarili ay siya na ang pinakamatalinong tao sa mundo. Dinaig pa si Rizal at kung makapintas ay sobra sobra na parang napakaperpekto at hindi nagkakamali kainlanman, manlalamang at di nagpapalamang, at napaka selosa na nagiging crab mentality.
Isa sa mga palaging napapansing kamalian natin ay ang pagsasalita natin lalong lalo na sa Ingles. Kung magsasalita tayo ng Ingles tapos nagkamali-mali ang mga grammar at bigkas, pinipintasan kaagad tayo ng ibang mga marurunong at inglesero kuno. Meron kasing dalawang klase ng mga pintasero: ang mga inglesero kuno na malapit nang allergic sa tagalog at ang mga bobong walang alam kundi ang mamintas, di naman eksperto at marunong. Meron ding dalawang klase ng taong pinipintasan: ang mga taong alam na alam nila na di nila kaya pero trying hard na pa ingles-ingles, mali-mali naman at baluktot at ang mga taong gustong matuto kaya nagi-Ingles. Ang iba kasi sa atin ay di mapalad na nakapag-aral sa mga prestihiyosong unibersidad at paaralan sa bansa at di nagkaroon ng mahusay na guro kaya hindi masyadong nalinang ang kagalingan sa pag-Ingles. Kung patas sana tayong lahat, wala sanang namimintas at pinipintasan. Kung baluktot at mali-mali man ang Ingles ng iba sa atin, ano pa kaya ang wikang Pilipino. Tulad kong bisaya, aaminin kong di lang ang Ingles ko ang nagkakamali kundi ang wika mismo natin, nagkakamali-mali rin ako lalong lalo na ang pagbigkas, napakatigas. Kasalanan ko bang ipinanganak at lumaki akong bisaya ang salita naming gamit sa bahay at ang iba sa atin na lumaking Ingles ang wika sa bahay o kaya’y nakatira sa lugar na pinapaligiran ng mga Puti. Kaya naman di ko masisisi kung ang iba sa atin ay nagi-Ingles. Kung minsan kasi nahihirapan tayong maghanap ng wastong salita na angkop kaya ang resulta nagiging Taglish tayo. Tumataas kaagad ang kilay ng iba kasi daw ba’t magi-Ingles ,mali-mali naman. Ano bang pakialam nila kung magi-Ingles tayo. Hindi naman siguro kabawasan sa pagiging pagkamakabansa natin kung magi-Ingles tayo. Di na sana inaprubahan pa ang Bilingual Education kung saan Filipino at Ingles ang gamit natin sa paaralan. At sana kung alam natin na mahina tayo at wala tayong alam, ‘wag na kasing magpa-epal (pumapel) at magmagaling kasi katawa-tawa ang kinalalabasan. Yung mga marurunong at mga inglesero, hayaan n’yo na lang kasi ang pagkakamali ng iba kung wala rin lang naman pala kayong maitutulong. Yung iba na mga inglesero na marurunong nagiging arogante dahil nga marunong, saksakan daw ng talino. Sa Pinas kasi, kung sino ang mas magaling mag-Ingles, siya ang mas nakakalamang at may “edge” daw. Totoo naman kaya hayaan n’yo na kasi naka-Promil sila kaya gifted at lumaki silang nagi-Ingles. Kung inglesero at inglesera sana mga magulang natin at nakapag-aral tayo sa magagandang paaralan, patas sana tayong lahat ngayon. Masakit man tanggapin ang katotohanan, pero yung iba sa atin meron na sana lahat ng tsansa sa buhay, di naman nag-aral ng mabuti. Karamihan din sa atin di rin mahilig magbasa. Kaya huwag na nating pahabain pa ang debate. Kung magaling eh di magaling, kung di naman, baka kulang lang ‘yan sa effort. Di naman siguro bobo kasi naniniwala ako na walang bobo kung nag-aaral ng mabuti liban na lang kung abnormal ka na talaga at syempre kasabay din ‘yan ng oportunidad at abilidad. Kung wala ka kahit dalawa man lang n’yan kahit todo-todo pa Ingles mo, walang mangyayari sa buhay mo.
Dito sa labas ng Pinas kapansin-pansin ang stilo ng mga Pinoy na parang sistemang hierarchical. Kung sino ang nauna at kung sino ang mas matagal ay siyang nakakaalam at nakakalamang. Meron namang katotohanan ‘yan. Kumbaga subok na ng panahon. Siyempre tulad sa Pinas, dapat nating respetuhin ang mga nakakatanda. ‘Ika nga, marami ka pang kakaining bigas at dahil nandito tayo sa labas ng ating bansa kaya marami pa tayong kakaining patatas. Pero sana ‘wag masyadong mag-abuso dahil di porke’t nauna kayo rito, may karapatan na kayong maghari-harian na parang alam na alam ang lahat. Andun na nga tayo, meron namang katotohanan na ang nauna at nakakatanda ay mas maraming alam at maraming napagdaanan na kaysa sa mga sumusunod lamang. Kung ipinanganak tayong sabay-sabay at nakapag-asawa ng Puti ng sabay-sabay, pare-pareho sana tayong lahat ngayon. Pero imposible namang mangyari ‘yan. Yung mga kumbaga “neophytes” daw, makinig kayo sa mga nakakatanda at mga nauna pero yung mga nakakasirang tsismis at mga walang kwentang kwento tungkol rin sa ating mga ibang kababayang Pinoy ‘wag na tayong makisali. Kumbaga sa Bisaya, “ayaw na pag-asin diha”. Di man natin aminin pero kung minsan ay di natin maiwasan, nakikitsismis din tayo. Tipikal kasi sa mga babae ang makipagtsismis lalong lalo na kung hindi tayo busy at wala tayong gawain. Pero kung sobra na ilabas na lang sa kabilang tenga. Huwag na nating patulan at palakihin pa baka mag-aaway away lang tayo sa walang katuturang bagay. Hindi naman tayo siniswelduhan para makinig sa mga kwentong walang kwenta at para maki-tsismis. Mabuti sana kung sasahurin natin ay euro dahil isa talaga ako na mag-partime listener o di kaya’y gawin ko na lang “career” ang pakikipag-tsismisan. Buti na lang, isa lang ‘yan sa mga hobby natin at yung iba naman passion na talaga.
Tayong mga Pinoy ay hindi talaga nagpapalamang lalong lalo na sa larangan ng pagmamayabang. Kung magmayabang ay daig pa ang pinakamalakas na bagyong dumating sa Pinas. Hanggang dito sa labas dala pa rin natin. Gusto natin na palaging tayo ang bida. Ang tao nga naman, kung ipinanganak na mayabang, lalaking mayabang at tatandang mayabang. Dito sa abroad kung may mga pagtitipon tayo o nagkataon na nagkita, syempre magpakilala sa isa’t isa. Isa sa mga tanong: ano bang natapos mo? o di kaya’y: ano bang trabaho mo sa Pinas noon? Magsisimula na ang “low pressure area” kasunod n’yan bagyo na talaga. Kesyo architect daw sa Pinas, kesyo nurse, kesyo teacher, kesyo malaki ang negosyo, kesyo may doctor’s o master’s degree, kesyo tinatambakan daw sila ng napakaraming diploma at certificates… blah…blah…blah…Parang nag-rorosaryo. At hindi lang yan, meron daw silang tatlong bahay, maraming apartment, may mansion, may kotse, may driver, may yaya at kung anu-ano pang “may”. Malaki daw ang kinikita 30k, 40k malapit nang maging milyon, daig pa ang sweldo ng presidente. Malaki daw ang kita sa sideline. Parang di naapektuhan sa krisis sa Pinas. Sana gawin namang konting kapani-paniwala ang kwento para di magmumukhang tangang mayabang. Langaw lang eh nagiging elepante na. Hindi naman kasi kapani-paniwala kung ganun tayo kayaman sa Pinas, tapos nagpapakahirap tayo rito sa pag-adjust sa lifestyle nila dito sa abroad, nagtatrabaho araw at gabi, naglilinis, nagtatrabaho ng illegal, etc. Di na lang tayo pupunta rito magpakahirap kung mayaman naman pala tayo sa atin. Di ba? Pero meron naming mga kababayan natin na may kaya talaga sa buhay at ipinanganak na talagang mayaman at piniling mamuhay at manirahan sa labas ng bansa at dito na rin nagkapamilya. Pero minsan di kasi natin maintindihan ang mga ugali nating mga Pinoy. Yung mga mayayaman at may mga pinag-aralan, sila yung mga kalimitang di masyadong nagyayabang at di isinisigaw ang yaman at talino nila sa buong mundo. Ito ang mga taong may “breeding” at maayos na napalaki ng mga magulang. At kung sino naman yung di masyadong mayaman, sila naman yung napakahangin. Dinaig pa ang may-ari ng SM at PAL. ‘Di na nga kagandahan, di pa matalino, mayabang pa. Saksakan na talaga ng kapangitan. Ipinagsisigawan talaga kung gaano karami ang diploma nila, kulang na lang sasampalin tayo ng kaliwa’t kanang diploma nila. Noon yun, nung nasa Pinas pa tayo. Ngayon andito na tayo sa abroad, patas na tayo lahat kasi pare-pareho tayong magsisimula talaga sa wala. Kumbaga sa giyera, andito tayo sa “neutral ground” kaya walang talo. ‘Wag mo nang ipagmayabang ang mga “accomplishments” at “achievements” mo noon sa Pinas kasi noon pa yun. Kumbaga sa artista, noon yun na sikat ka pa, ngayon laos ka na. Sa bagay, kung pinaghirapan mo nga naman ‘yon lahat, di maiiwasang magiging proud tayo pero ‘wag namang sobrahan na parang katawa-tawa na tayo sa iba. Kung walang-wala nga naman tayo, mabuti pa’y manahimik na lang din. Hayaan na natin silang magyabang kung yan din lang ang ikabubuti ng mga pakiramdam nila. Baka magkasakit sila kung di sila makapagyabang. Yung mga walang maipagmamalaki, ‘wag nang makisali pa sa “battle of the hurricane(s)”. Kakapit ka talaga sa kinauupuan mo. Mamili ka lang kung saan ka sasali, sa “battle of the brain” o sa “battle of the brainless”. Dalawa lang yan.. Sa bagay, iilan lang naman ang mga Pinoy na tinatawag nating “complete package” na maganda/gwapo, matalino, mayaman at may pinag-aralan. Kalimitan ay ang opposite.
Sana huwag nating kalimutan kung saan tayo nanggaling dahil hindi ibig sabihin na gumanda ang ating pamumuhay at sinisuwerte tayo ay hindi na tayo papalpak pa. Huwag nating kalimutan ang mga taong tumutulong at palaging nasa likod natin sumusuporta. Meron kasi tayong kasabihan na kung gaano kataas ang lipad, kung babagsak ay napalakas ang lagapak. Wala namang masama kung mag-aambisyon tayo. ‘Ika nga nila libre daw ang ambisyon kaya hayaan na natin kung minsan mag-iilusyon man tayo. ‘Wag natin masyadong seryosohin ang mga problema, krisis at ang buhay sa kabuoan dahil nakaka-stress at nakakabaliw ‘yan. Hayaan nating panatilihin ang ating pagkamasayahin dahil dito sa abroad, karamihan sa atin malayo sa mga mahal natin sa buhay, baka mabaliw lang tayo.
Ang hirap ng iba sa atin, nakakalimutan natin kung sino tayo. Para bang langaw na nakapatong lang sa likod ng kalabaw, feeling kalabaw na rin. Di porke’t nagkaroon lang tayo ng konting suwerte ay puwede na tayong magmalaki. Paano kung sasablay at babaliktad ang mundo? Minsan ilagay din natin ang sarili natin sa kalagayan ng iba kung sasaya o lulungkot ba ang buhay, kung dadanasin din ba natin ang dinanas nila, kung ganun din ba tayo ka malas o ka-suwerte, kung gaano kasaya ang buhay natin ngayon at lalo pa bang sasaya o kung malungkot ay lalo pa ba tayong lulungkot kung nasa kalagayan tayo nila. Huwag nating ikumpara ang mga sarili natin sa iba. Yung iba wala lang ibang mapiling pagkumparahin. Kalimitan ay ikinukumpara natin ang sarili doon sa mga taong alam natin na mas nakakalamang tayo. Yun kasi ang kaya nating gawin. Kung sa sabong, hindi patas ang laban. ‘Di ba nakakatawa ikumpara ang kakayanan ng tandang sa sisiw? Hinding-hindi kailanman tayo magkapareha ng kakayahan, abilidad, talino at kapasidad. Kung ano tayo ngayon at kung saan man tayo ngayon ay dahil ‘yan sa ating sariling kakayanan at pag-iisip at di porke’t marami tayong natapos, marami tayong awards, kaliwa’t kanan ang mga diploma at certificates at kahit pa ilang masters’, doctors’ degree pang natapos di ibig sabihin ‘nun na mas matalino at nakakalamang ka sa iba. Papel at mga parangal lang ‘yan. Ang buhay ay realidad at di lang basta-bastang papel at parangal. Tandaan natin na may mga taong magaling lang sa “theory” pero sa “practice” bobo naman, meron ding baliktad.
Iba sa atin ay napaka-selosa at napaka-insecure na nagiging dahilan sa isa sa pinakamasamang mentalidad na tinatawag nating “crab mentality”. Kung sino ang mas nakakaangat, pagtutulungan kaagad hilahin pababa. Bakit ba napakahirap na maging masaya sa tagumpay ng iba? Dahil nagseselos, dahil na-iinsecure sa tagumpay ng iba, dahil hindi matanggap ang katotohanan na meron pa palang iba na mas nakakalamang, mas matalino, mas maabilidad, mas magaling, mas maganda/gwapo pa kaysa sa ‘yo. Hindi ka ba masaya sa tagumpay ng kapwa mo Pinoy? Ba’t di tayo makipag-kompitensya ng patas. Tanggapin ang katotohanan na magkaiba ang abilidad, katauhan at pag-iisip natin. Tayo-tayo rin lang ang nagsisiraan. Buti sana kung uunlad ang mga buhay-buhay natin kung iiral ang “crab mentality” natin. Iisa lang naman ang gusto natin sa buhay, ang guminhawa kahit paano pero iba-iba nga lang ang mga paraan na gamit natin. Kaya bakit ba natin pagkumparahin ang mga sarili natin pagdating sa abilidad at pag-iisip? Kung ano mang paraan ang ginawa natin para makamit ang gusto natin sa buhay, ay wala nang pakialam ang iba dahil hindi naman sila ang nagpapalamon sa atin liban na lang kung natapakan natin ang pagkatao nila. Ang kinalalabasan at tagumpay natin ay depende sa oras at pagod na ibinuhos natin sa isang bagay. Tayong mga Pinoy ay may maraming mga kaaya-aya at magagandang ugali pero pag lumabas din ang ating mga di kagandahang mga ugali… nakakatawa, nakakairita, nakakaloka…tama na nga!...ano ba!? sumusobra ka na ha!

Monday, February 2, 2009
Een Brief Voor Onze Leerkracht
Je bent een van de belangrijkste mensen die achter ons staan en die ons echt geholpen hebben. Je hebt ons welbeschouwd als belangrijke familieleden. Feitelijk hebt je meer tijd besteed aan ons dan aan je echte familie omdat je bijna de hele dag bij ons bent gebleven.
Om eerlijk te zijn, je bent niet alleen een goede, lieve en toegewijde leerkracht maar je bent een bijzondere en uitzonderlijke persoon die altijd glimlacht en die elke dag op school een positieve sfeer brengt. Zoals normale mens voel je soms misschien slecht, ziek of geen zin om aan ons les te geven maar toch komt je elke dag naar school en daardoor voelen we ons speciaal.
Elke niveau met je is misschien te kort maar de herinneringen die wij allemaal samen gedeeld hebben en de dingen die wij van je geleerd hebben, blijven met ons voor altijd. Je bent niet een gewone leerkracht maar ook een goede vriend(in) van ons allemaal. Je bent soms een consulent(e) of een raadgever of een vertrouweling. Zonder jou praten wij misschien nu nog geen Nederlands en hebben wij misschien veel moeilijkheden om werk te vinden en om ons in deze maatschappij aan te passen.
Je past je gemakkelijk aan aan ons en je komt goed overeen met ons ondanks onze verschillende eigenschappen, overtuigingen en buien. Je hebt een echt onmetelijk geduld voor ons. Zulke eigenschappen voor een leerkracht is echt uitzonderlijk.
Je bent eigenlijk een van de miskende helden in deze wereld die elke dag veel moeite doet om ons goed Nederlands te leren spreken. Maar jammer genoeg beseffen wij dat niet altijd.
Wij bedanken je voor alles wat je voor ons gedaan hebt. Deze brief is maar alleen een kleine en eenvoudige manier om je te bedanken voor je goede daden.
Een zeer dikke en grote BEDANKT!

Subscribe to:
Posts (Atom)