Mayaman ka dahil nakatira ka sa napakalaking mansyon o palasyo; dahil nakahiga ka sa pera na parang di natamaan sa krisis; dahil marami kang mamahaling kotse; dahil marami kang pag-aari na mga negosyo; dahil may marami kang alalay at katulong na nagsi-serbisyo sa’yo; dahil napapaligiran ka ng mga armadong bodyguards; dahil nalilibot mo ang buong mundo na gamit ang sarili mong eroplano o barko; dahil ginto na ginto na ang kulay mo parang nagka-hepatitis kana dahil balot na balot ang buong katawan mo sa ginto pati na ang bahay mo kulay ginto at dahil nakukuha at nabibili mo lahat ng gusto mo.
Mahirap ka dahil walang-wala kana talaga; dahil wala kanang makain; dahil wala kang kapera-pera kahit isang sentimo; dahil wala kang tirahan at palaboy-laboy ka lang sa kalye; dahil araw-araw ay kumukulo ang sikmura mo sa gutom; dahil nanghihingi at nagpapalimos kana para lang may makain at dahil minsa’y nanghahalughog at namumulot ka na ng basura para makakain; at dahil wala ka na talagang kahit na anong bagay na makakatulong para kahit papaano mabuhay ka pa ng kahit isang buwan.
Mayaman ka dahil masuwerte ka at nagkakaroon ka ng trabaho na di ka nahahapo, napapagod at di na kailangang bumangon ng maaga at magpuyat; dahil pupunta ka sa trabaho mo kung kailan gusto mo ngunit tumatanggap ka araw-araw ng napakalaking suweldo.
Mahirap ka dahil napakalusog mo at di ka baldado; dahil malaki ang katawan mo ngunit wala kang silbi at walang trabaho dahil saksakan ka ng katamaran. Kahit ang pagkain ay nasa harap mo na, inihain para sa iyo at isinubo pa ngunit tinatamad ka kahit nguya man lang.
Mayaman ka dahil nariyan ang pamilya mo laging nasa likod at sumusuporta palagi sa iyo; dahil tumutulong at nagmamalasakit sila sa’yo sa hirap at ginhawa at nagmamahal sa iyo ng buong-buo; at dahil andiyan ang mga totoong kaibigan mo laging handang tumulong para sa’yo.
Mahirap ka dahil nag-iisa ka lang, naulila dahil wala ka nang pamilya at walang tumutulong at nagmamahal sa iyo; dahil wala kanang kamag-anak, kaibigan, kapitbahay o kakilala na kukopkop sa’yo; dahil wala kang mapagsumbongan at matakbuhan kung may problema ka at walang-wala ka talaga; at dahil pakiramdam mo ay nag-iisa ka na lang sa mundo.
Mayaman ka dahil sa kabila ng kapansanan mo ay nagkaroon ka ng silbi at nakakatulong ka sa sarili at kapwa mo; dahil sinusubukan mong makapagtrabaho at di mo iniisip na kakulangan at hadlang ang iyong kapansanan na makamit ang iyong minimithi at nakatulong ka sa iba.
Mahirap ka dahil sa kabila ng kapogihan at kagandahan mo ay napakabobo mo naman at napaka-itim at napakasama ng pagkatao mo. Di ka lang nanlalamang, nananapak ka pa ng kapwa mo tao.
Mayaman ka dahil hindi ka lang pogi o maganda, matalino at magaling ka pa sa ano mang larangan sa buhay; dahil may respeto at pagmamalasakit ka sa kapwa mo; dahil wala kang tinatapakan at nilalamangan; at dahil nasasaiyo na lahat ng magagandang katangian ng isang tao.
Mahirap ka dahil walang laman ang utak mo; dahil walang-wala ka talagang alam sa mga pangyayari sa paligid mo; dahil wala kang pakialam sa paligid at kapwa mo; at dahil iniisip mo lang ay ang sarili at kapakanan mo.
Mayaman ka dahil masayahin kang tao; dahil kahit sa problema ay magawa mo pa ring tumawa at magpatawa; dahil di ka naaapektuhan sa mga problema at masasamang nangyayari sa buhay mo; dahil ang lakas-lakas mong labanan lahat ng problema na dumadating sa buhay mo; at dahil positibo ang iniisip mo na bukas ay sisikat din ang araw mo.
Mahirap ka dahil andito ka sa abroad, nagtatrabaho at sinubukan mong kumita para may maipakain ka sa pamilya mo sa Pilipinas habang ang pamilya mo doon ay naglulustay sa perang pinaghirapan mo, walang naipundar; dahil nangangaliwa ang asawa mo at napapariwara ang mga anak mo; at dahil gusto mo man silang tulungan ngunit di mo magawa dahil ang layo layo mo sa kanila. Wala kang magawa kundi ang umiyak at kaawaan ang sarili mo at nagtatanong kung ano bang mali ang nagawa mo. Di kana maka-uwi sa Pinas dahil iligal ka o kaya’y wala rin namang mangyayari sa buhay ninyo kung nasa Pinas ka.
Mayaman ka dahil mahirap ka lang sa materyal na bagay ngunit nariyan at kumpleto ang pamilya mo; dahil nakakakain kayo ng kahit dalawang beses sa isang araw sa sahig ngunit sama-sama; dahil sama-sama kayong kumakayod at nagtutulungan; dahil nakatira man kayo sa isang barong-barong ngunit hindi giniginaw dahil sa liit ng lugar ay siksikan kayong natutulog; at dahil kuntento kayo sa buhay ninyo dahil kung tutuusin mas masaya pa kayo kaysa kapitbahay ninyo na malaki at mayaman pero di naman masaya at nagkakaisa.
Mahirap ka dahil mayaman na mayaman ka ngunit di ka nakakatulog ng mahimbing dahil palagi kang nag-iisip kung papaano palakihin pa ang pera mo; dahil natatakot ka na ma-hold up at mapagnakawan kaya wala kanang pinagkakatiwalaan; dahil palagi ka na lang nakakulong sa hawla mong ginto at kung lalabas man ay palaging nagmamadali, nagmamasid, at nagdududa sa mga taong nasa paligid mo; at dahil iniisip mo na lahat ng tao nasa paligid mo magnanakaw at may masamang plano para pabagsakin, huthutan at nakawan ka tapos iiwan o papatayin.
Mayaman ka dahil lahat ng pangaral na inihabilin ng iyong mga ninuno, magulang, guro, kapatid, lolo at lola at lahat ng mga taong may malasakit sa iyo ay nagagamit at nasusunod mo.
Mahirap ka dahil punong-puno ka na sa utang. May utang ka pa tapos nangungutang ka uli dahil ipambayad sa utang mo dahil nagkakautang ka dahil sa utang mo. Masyadong kumplikado na dahil di mo na maintindihan kung paano nagsimula ang utang mo at saan mo ginamit ang pera na inutang mo. Para kanang naghuhukay ng sarili mong butas at pinalaki mo nang pinalaki hanggang ikaw mismo ay nalunod na sa loob ng butas na ginawa mo at di ka na makakalabas pa. Utang ka na lang ng utang dahil sinimulan mo at di mo na alam kung papaano hihinto at magsimula. Sinimulan mo kasi kaya mahirap na ihinto. Para kanang adik sa utang.
Mayaman ka dahil ang pagkatao mo ay mapagkumbaba at matulungin sa kapwa at di ka naghihintay ng kahit na anong kapalit; dahil di ka ipokrito. Di na kailangang ipakita sa iba na relihiyoso ka dahil araw-araw ay nagsisimba ka ngunit hindi ka naman nagdarasal ng taimtim dahil ipinapasada mo lang ang maganda mong damit at alahas at palagi mong itsinitsismis ang mga kapitbahay mo.
Mahirap ka dahil isa kang politiko at opisyal sa gobyerno ngunit wala kang malasakit sa kapwa mo; dahil kung tutuusin wala ka namang naitulong o nagawa sa bayan mo; dahil nakaw ka lang ng nakaw sa perang hindi sa iyo; dahil sa kapal ng mukha mo wala kanang hiya sa katawan ; dahil kinakawkaw mo ang kaban ng gobyerno; dahil binubulsa mo ang pera na hindi sa iyo; dahil pinilit mong ibahin ang konstitusyon na ginawa ng mga ninuno mo dahil sa sarili mong interes; dahil sakim ka sa kapangyarihan, pera at posisyon; at dahil napakakurakot mo at kung mamatay ka man kahit sa impiyerno ay di ka tatanggapin dahil sa sobrang sama mo.
Mayaman ka dahil sa kabila ng kahirapan mo ay nanatili kang malusog at wala kang masamang bisyo o masamang karamdaman.
Mahirap ka dahil mayaman na mayaman ka ngunit nagkakaroon ka ng karamdaman na hinding-hindi magagaling ng kayamanan at pera mo; dahil walang gamot at walang pag-asa pa na gagaling ang sakit mo; at dahil ang pera mo ay di magagamit para mapigilan ang kamatayan at uuurin pa rin ang katawan mo kung ilibing ka man sa lupa.
Mayaman ka dahil mayroon kang talento at handa kang ipaglinang at ibahagi sa iba ang talento at kaalaman mo.
Mahirap ka dahil isa kang masamang tao, masamang kriminal na nagtatago sa batas; dahil isa kang rapist, mandurugas, manggagamit, magnanakaw, mamamatay tao, kidnapper, holdaper, adik, mahilig magsugal at ibinibenta mo ang kaluluwa at katawan mo para kumita; gagawa ka ng isang masamang bagay dahil hindi mo sinubukan na kumita at mamuhay sa malinis na paraan.
Mayaman ka dahil mahilig kang magbasa; dahil ang libro ay itinuturing mo na kayamanan; dahil mahilig kang libangin ang sarili mo sa mabuti at malinis na paraan.
Mahirap ka dahil mayaman na mayaman ka ngunit di mo alam kung sino ang pagkakatiwalaan mo at kung sino ang totoo mong mga kaibigan at kung maghihirap ka man ay handa ba silang tulungan ka at mananatili pa ba kaya sila sa tabi mo.
Mayaman ka dahil sa kabila ng kahirapan, iginapang mo ang pag-aaral ng mga anak mo hanggang sila ay matagumpay na natapos at nagkaroon ng kanya-kanyang magagandang buhay. Hindi nila madanasan ang hirap na dinanas mo.
Mahirap ka dahil sa kabila ng iyong pagpupursige na makamit ang iyong pinapangarap at magiging tagumpay ay hinding-hindi mo maaabot dahil sa maraming hadlang na pumipigil sa iyo.
Mayaman ka dahil pinagkalooban ka ng magaganda at mabubuting mga anak; dahil katuwang mo ay isang responsible at mabait na asawa na palaging nasa tabi mo sa hirap man o ginhawa.
Kaya kung nagseselos o minimithi mo na magkaroon ng buhay na mayroon ang iba, isipin mo munang mabuti. Bilangin mo ang mga mabubuting bagay na mayroon ka at nagpapasaya sa iyo, lahat ng kaaya-ayang pangyayari sa buhay mo, at ang mga taong nagmamalasakit at nagmamahal sa iyo.
Hindi ibig sabihin na mahirap ka ay di ka na mayaman at kung mayaman ka ay di ka naghihirap. Patas lang tayong lahat dahil kung gaano ka kayaman, ganun ka din kahirap at kung pakiramdam mo ay mahirap ka, di mo lang alam na mayaman ka pala.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.